(isa rin to sa mga hindi ko na-post na blog sa friendster.. kaasar kasi!)
Oo nga pala, nag-Christmas party nga pala kami sa Brookside nung December 28-29, 2007! 2 days and 1 night! Parang camp na rin and reunion! Hehe, kaya masaya!
Dun yun kina Ptr. Lee, sa bahay nila. May pangalan na nga yun eh, TSW Training Center! Oh, sosyal no? Pangmayaman!
Nag-direct yung anak ni Ptr. Lee. Sina Hye Soo at Hye Hin. Tama ba spelling niyan? Sabihin niyo nalang kapag hindi ah? 36 kaming lahat ng pumunta, dumami na no? Dati more or less 10 lang kami. Pero ganun talaga, by God’s great glory, parami na ng parami! Hehe!
Kailangan 8am andun na kami sa Training Center, kaya ang aga umalis ng service galing sa church. Hinatid lahat ng youth ng um-attend. Syempre ako hindi nakasama sa service, late na naman, as usual! 6:30 am na kasi ako nagising! Grrrrrrrrrrrrr! Pero ayon, buti naman nakahabol parin ako! Dumating ako dun before 8am! Hehe, grand entrance parin! At wala naman akong punishment, di naman ako nakulong sa jail, at di naman ako nalagyan ng baboy! Waaaaaaah!
Tapos ayon, pumito na si Hye Soo ba yun? Start na agad! Hinati kami sa 3 grupo – LOVE, FAITH, at HOPE. At napabilang ako sa Hope! Hmp! Ako ba naman yung ginawang leader! Grrrrrrrrr! I hate you all! Hehe! At simula na yun ng kamalasan ng grupong Hope! Hehe! Waaaaaaaaaaaaaaaah! Talo kami sa flag making! Pati sa cheering! Sabi ko naman sa kanila wag na akong gawing leader eh! Hehe, wala sa mood! Moody kasi ako! Hehe!
Tapos naglaro din kami ng pahabaan! Way to heaven yung name ng game! Ggggggrrrrrrrr! Talo na naman kami! Puro kasi kami nakatsinelas! Tapos sila pati sintas sinama sa pahabaan! Hmp! Pero buti nalang nakabawi kami sa second game! Hindi ko alam yung name ng game eh! Di bale, okey lang, nanalo naman. Kahit kulang kami ng isa! Dalawang beses pa ako naglaro! Hehe, kapayat-payat eh! Hirap kaya magpalobo ng balloon! Si ate Che ang lalaki ng mga hakbang! Kaya panalo kami! Hehe, tapos ayon, nag-lunch break na kami! Diba bag-preach muna si Pastor Jun bago yung games? Ayon nga, di dapat tayo nahihiya! Si satan lang naman ang nagbibigay sa’tin ng hiya, kaya dapat tinatanggal na yan! Wag natin siyang hayaan na bigyan tayo ng ganyan! God has something for us! Binigyan tayo ni God ng lugar na talagang para sa’tin, kaya di dapat tayo nahihiya. At yon nga, ito yung binigay Niya sa’tin, yung TSW! At TSW Training Center! O, galing no? hehe, God is Great!
Tapos after lunch, naglaro ulit kami. Oo nga pala, sino ba yung unang naghugas ng pinggan? Yung Love ba? Wala lang. Naglaro kaming treasure hunting! Ay, oo nga pala, Bible Study pala yung kaninang umaga, yung mga games pala yung after lunch! Yung Way To Heaven and Together We Go, yun yung may mga balloons! Tapos yung third game ito na yung treasure hunting! Panalo na sana kami, kaso talo parin! Hmp!
Pero masaya naman, basaan! At buhatan! Hehe. Tapos after nito break time. Gagawa na kami ng drama para mamayang gabi. Ayon nag-practice naman kami, medyo magulo nga lang. puro tawanan! Ang titigas ng mga ulo ng kasamahan ko, mga ayaw magsipakinig sakin, kaya hindi kami manalo-nalo! Hehe, sinisi yung mga kagrupo eh no?
At kamusta naman yung dinner namin, 5 pm! Waaaaaaaah, sobrang aga! Merienda lang namin yan! Hmp! Ewan! Hehe.
Tapos 6pm, si Kuya Raymund naman yung nag-Bible Study sa’min. And ano nga yung sabi? Obey your parents in the Lord for this is right. And this is the first commandment na may promise! to live your life longer! After naman nito, lumabas na kami, para sa bonfire activities namin, drama presentation, sharing, confessing, praying and singing! Ayon, magaganda yung mga drama na pinakita ng bawat group, nakatutuwa. Hulaan niyo kung ano role ko? Hehe, si ate Charo! Dear ate Charo, with matching turn around face left face right sa chair, and beautiful eyes sa ending! I hate you all! Hehe! Si Jayne naman yung may boses na may tweeter! Walang ka-base base! Ang tinis! I hate you daddy! 18 na ako! Pinagpalit kita sa daddy ko! Hehe! Tapos yung daddy niya si Jomel, ang natatanging may comatose na nakakapagsalita! Yung cd, yung cd! Pero wala talaga kayo kay Jake! Talaga naman, ang tig-1.25 peso niyang yosi! Hehe, vital signs, check! Basta ayon, masaya naman yung drama fest, yung mga judge Syempre professional din, kasi meron din sila kunyaring comments tungkol sa mga kalokohang pinaggagagawa namin dun! Hehe! Pero seryoso, kakaiba naman daw, magagaling naman daw lahat! Kaso meron lang talagang kailangang manalo, kasi yung matatalo, yun yung maghuhugas ng pinggan the next day! Hehe! At buti hindi kami yung natalo, kaso hindi rin kami nanalo! Hmp! Yung group ng Faith yung nanalo, 137.5 ba yung points nila? Tapos kami 131? Yata! Hmp! Sayang! Tsk! Tsk! Tsk!
Pagkatapos naman nung drama presentation, yun na yung prayer time namin, at magko-confess kami. Sinulat namin sa paper yung mga gusto naming i-confess, tapos we prayed for it, for forgiveness, tapos sinunog namin yun sa apoy, yung apoy sa bonfire! Ayon, Syempre thankful ang lahat for that forgiveness, sabi nga ni Chastine, ang sarap sa pakiramdam! And that’s true naman talaga, basta kakaibang experience yung ganun, iba yung feeling! Iba talaga kapag KJ!
Pagkatapos naman niyan, masaya ulit! Kasi movie time na! Banglaki ng tv! Hehe! Juk lang! outdoor pa nga eh, kalahating gabi nanonood pa kami! Hehe! Naka-tarpaulin kaya malapad! Masarap manood pero medyo nakakahilo. Yung pinanood nga pala namin yung FACING THE GIANTS! Ang gandang movie! Totoo! Nakakatawa, nakaka-touch, maraming revelations kang makikita! Basta marami kang matututunan talaga! Ganda ng pagkakagawa! Parang hindi naman nakaka-iyak pero maiiyak ka! Ewan! Tapos masaya habang nanonood, kasi nagkukwentuhan! Si Denise ang daldal! Hehe, juk! Kung ano-ano mga pinag-iisip! The screw, the screw! Tapos si Rudy naman at si Jayne nakakawala daw ng focus sa panonood, nakakawala ng excitement, pano ba naman habang nanonood nagkukwento! Kaasar! Ang ingay! Hehe! Pero maganda talaga yung movie! Astig!
Pagkatapos niyan, balik na kami ng respective rooms namin. Matutulog na kami! Waaaaaaaah! Agawan ng banyo! Hehe, tagal nilang maghilamos! Ako yung pinakahuli! Anong petsa na yun! Sina Denise at Tata makikipagkwentuhan pa sana, kaso nagagalit na si Elena! Ayaw nang magpalabas ng kwarto! Kaya ayon, natulog nalang sila! Wawa naman! Hehe. Tapos kami naman sa kwarto namin, ang gulo! Sardinas! Kanya-kanyang pwesto! Kanya-kanyang position! Kaming dalawa ni Rudy wala kaming pwesto! Ang tagal tuloy naming nakatulog! Si Giovane may insomnia daw pero pagkapasok na pagkapasok palang ng kwarto natulog na agad! Siya din ata huling nagising! Hehe! Around 3:30 am na ata kami nakatulog, dalawa lang kami ni Rudy ang gising, sila tulog lahat, kaya kinuhanan namin sila ng remembrance! Pictures at videos! Hehe! Si Dang-dang nagising, tinulak ba naman ni Kevin! Nahulog tuloy sa higaan! Tinamaan si Jomel. Si Jomel naman bumangon tapos gumising saglit, pero kina-umagahan tinanong namin di niya daw alam! Si Kevin ganun din, bumaliktad ng pwesto, pero di rin daw niya alam! Pambihira! Si Tony naman rakista! Slamming while sleeping! Hehe! Si Jasphere nagsasalita habang tulog, “sino yun sino yun” daw! Ang saya lang ng tulog eh no? sa kabilang kwarto di na namin alam, nagsarado ba naman ng kwarto! Nagalit ba naman yung mayordoma nila! Si Elena!
Kina-umagahan, kanya-kanyang gising na! Matutulog pa lang ako si Jake tinatanong na ako kung anong oras na! ayon, sabi ko 5am, gumising na rin siya! Nagsipag-liguan na kami! Tapos nagising na rin yung mga taga-kabilang kwarto. Gumising na rin si director! Hehe, nag-exercise kami sa labas, sa playground ng Brookside, habang nag-e-exercise kami dun, may nakita kaming mama, ang haba ng dila! Lumalawit! Ewan ko ba dun! Tapos ayon, kaming dalawa ni Elena, star! Nasa gitna nilang lahat! Ginaya namin yung eksena sa Facing the Giants! Hehe!
Tapos ayon, pagbalik namin sa Training Center nag-yoga naman kami! Hehe, ilan lang yung ginawa ko, ang sakit kasi sa katawan! Ayaw ba naman ma-bend ng mga kalamnan ko! At ayaw ma-stretch! Hehe! Tapos naligo na rin yung iba! After nun breakfast na namin! Haaay sa wakas nakakain din! Huling kain ba naman namin 5 pm! Waaaaaah! Fasting? Hehe! After naman ng breakfast namin si Ptr. Lee na yung nag-preach! Ayon, mga inaantok na! Si Kevin sinigawan ni Ptr. Lee ng AMEN! Ayon nagising! Hehe! Dumilat din ang mata! Well, the message was about Service. Serving other people and serving God.
Tapos ayon, after nun outdoor ulit kami, nag-sharing about their experience sa Christmas party ala-camp namin! Hehe! After nun nagsulat kami sa paper ng mga comment namin sa bawat isa. Tapos exchange gift din kami! Nakuha ko ay walang kamatayang mug! Hehe. Pero ang ganda ng message dun sa karton ng mug, FAITH SEES THE INVINCIBLE, BELIEVES THE INCREDIBLE, AND RECEIVES THE IMPOSSIBLE. Oh, ganda no?
Oh siya sige, uwian na, ‘pag may camp sa summer kita-kits ulit tayo ha!
God bless you all!
Hehe, KJ!
January 2, 2008
12:10 pm
markimark
No comments:
Post a Comment