April 27, 2007mga
7:00pm
Pumunta akong department store ng ever, sa may mga section ng mga polo shirt, pumipili ako ng magandang kulay ng polo. Tapos lumapit yung saleslady sa’kin, nagtatanong kung anong size daw, hindi ko naman pinansin kasi di naman ako bibili, pumipili lang naman ako kung may magandang kulay tapos babalikan ko nalang kapag bibilhin ko na, at di ko pa naman kailangan ng pag-assist niya kasi pumipili lnag naman ako, di naman ako naghahanap ng size, at di ko naman siya tinawag.
Paglapit palang niya sa’kin, halata na su mukha niya na badtrip na siya, at di ko alam syempre kung bakit.
Aba, malay ko sa mood niya! At ayon nga, dahil wala naman akong mahanap sa mga nakadisplay, tiningnan ko yung mga nakatupi kasi mas maraming pagpipiliang kulay dun. Eh di ko naman sinasadya, nahulog yung mga nakatupi, mga tatlong piraso lang naman yung nahulog, di naman lahat.
Aba, biglang lumapit yung saleslady tapos nagalit, sabi ba naman ng pagalit, “TINATANONG KUNG ANONG SIZE EH!!!” tapos biglang kinuha yung mag nakatuping polo at hinagis sa sahig!
Eh malay ko sa kanya kung anong trip niya bakit niya pinaghahagis yung mga nakatuping polo dun, di ko nalang pinatulan, kahit pa ako yung customer eh. Di siya dapat tinanggap ng manager dun, hindi niya ginagawa ng maayos yung duty niya, at di siya marunong magsubmit sa mga customer. Di siya dapat maging saleslady kasi wala siyang pleasing personality at may attitude problem siya! Kung gusto niyang tumagal sa trabaho niya, matuto siyang makisama kasi ang daming gustong magtrabaho pero siya ang binigyan ng opportunity kaya
sanawag niyang sayangin. Sa susunod, di na dapat palampasin yang mga ganyang ugali ng saleslady kasi hindi sila matututo hangga’t hindi napagsasabihan.
Thank you.
No comments:
Post a Comment