Tuesday, July 29, 2008

SA COLLEGE: SELF STUDY!

(isa to sa mga blog ko before na hindi ko na-post sa friendster,
kaasar, nawawala kasi minsan, tas tagal ding mag-load! hmp!)



Waaaaaaah! Totoo naman!
Kailangan talaga self study. Sariling sikap!
Hindi naman kasi lahat tinuturo, meron talagang kulang.
Kung ano pa nga yung sana eh mas mahalaga, yun pa yung parang kulang.
Tingnan mo nga ngayon, bumalik na naman kami ng html,
Eh natapos na nga yun eh,
Hindi naman masama kung babalikan,
Yung akin lang naman, sayang kasi yung oras eh.
Isang tri lang kasi,
3 months lang, buti sana kung sa 3 months na yun eh araw-araw,
sa isang lingo isang beses lang.
lumalabas, 12 meetings lang.
babawasan pa kapag exam week.
Eh di ilan nalang yun?
Haaaaaaay, sayang kasi yung pera eh at yung oras,
Kung hindi lang kailangan ng diploma eh!
Kaya ayon, kung ano yung tinuturo, yun lang din.
Kaya kailangan marunong kang magsaliksik.
Kung ano yung mga tinuro, kailangan dagdagan mo,
Para na rin yun sa sarili mo no.
Ngayon nga, html, sana java script na yun.
Haaaaaaay, mas mahalaga pa naman ata yun.
Kung ano pa yung mahalaga yun pa yung hindi masyadong natututukan.
Kung ano pa yung mga major subjects, parang wala lang.
Yung mga minor, yun pa yung maraming naituturo,
Mas marami ka pang natututunan dun!
Sa dami ba naman ng minor subjects.
Minor subject na nga, hinati pa sa dalawa,
Dagdag bayaran na, sayang pa ang oras,
Pwede namang pag-isahin!
Kaya yung major eh parang wala nalang, kasi nga hindi naman natututukan talaga.
Kung yung minor subjects sana na pinaghahati nila
Eh ginawa nalang major, mas okey sana,
Para matutukan yung mga kailangang tutukan,
Mas marami sanang programming subject.
Nang sa ganun, mahasa naman mag-program yung mga estudyante.
Pano tayo magiging competitive kung puro basic at minor subjects lang yung itinuturo diba?
Kaya ayon, para naman hindi kami mahuli kahit papaano
Eh sariling sikap talaga.
Todo hanap ng tutorials sa internet!
Gggggrrrrrrrrr!
Para lang mas matuto.
Para naman kasing hindi nila pinapakinggan yung mga opinion ng estudyante.
Parang wala lang.
Kaya ayon, self study talaga kailangan.

Parang ang layo ng mga pinagsasasabi ko no?
Hayaan mo na!

Oo nga pala, sino ba marunong gumamit ng dreamweaver?
Tama ba spelling?
Paturo naman, tinatamad kasi ako! Hehe, sabay ganun?
Pero baka bukas o next day,
Maghahanap ako sa internet,
Kainis kasi, di naman tinuturo sa school. Hmp!

PEACE!
Blog ko to, kaya pwede ko sabihin mga gusto kong sabihin!

No comments:

Post a Comment