‘Twas indeed a happy day!
Wala lang, happy day lang with our long lost friend whom we used to call CHECKEN.
(Historical kasi yang Checken na name!)
Meron kasi kaming church anniversary nung November 11, 2007,
Tapos nagkataon naman na nag-agree kami ni Georgia Porgia (tama ba? Porgia? Or Porgie?) na i-invite naming si Checken.
Yung totoo nga, ininvite ko na ata si checks nun, tapos inivite niya na rin pala, ni Georgia. Tapos ayon na, pumayag naman si checks kaya masaya naman kami.
And inivite namin siya for some personal reasons:
kasi mas ok kung meron kaming ininvite na friend nung anniv
tapos ang tagal na naming hindi nakita si checks
pareho kami ng ininvite ni Georgia Porgia
at gusto naming makita si checks nun!
and lastly, sa kadahilanang hindi namin alam!
Akala ko talaga so so lang yung pagpunta ni checks nun.
Parang normal na pagkikita lang, ganyan ganyan.
Bonding moments ulit kagaya nung high school kami.
Nung dumating nga siya parang katulad lang talaga nung dati, syempre nakakatuwa din naman.
We’re happy na nakarating nga siya. (kahit hindi niya nasama yung isasama daw niya!)
Tapos ayon, dun namin siya pina-upo katabi namin ni Georgia.
Ayon nga, mabalik tayo dun sa sinasabi ko kanina, na akala ko normal lang siya na pagtatagpo ulit, pero hindi pala.
Nakaka-amaze si checks, alam mo kung bakit?
Kasi talagang may dala siyang Bible!
Hindi ko nga inexpect yun eh,
Hindi ko alam, basta natuwa lang talaga ako nung may dala siyang Bible.
Ewan ko.
Sabi ko pa nga sa kanya, “ang laki naman niyang Bible mo, aba, English-Tagalog pa ha?”
Sabi naman niya, nakuha niya lang daw yun sa bahay nila.
Basta nakakatuwa lang yung ganun, na kahit simpleng bagay lang.. ah ewan!
Di ko ma-explain eh, basta may something kung bakit siya nakapagdala nung Bible.
Hindi ko lang talaga masabi!
Tas ayon, sama-sama kaming kumain ng lunch, nagsaya, nag-swimming, picturan kung saan-saan.
Nakakatuwa talaga yun si checks, wala talagang pinagbago pagdating sa ugali.
Ganun parin!
Kung ano siya nung high school, ganun pa rin siya ngayon kahit may work na!
Basta, nakakatuwa lang yung ganun.
Happy day lang talaga!
Kung ano yung na-miss namin ni
Georgiakay Checks, nakita talaga namin sa kanya that very day! Yung Checken talaga na kilala namin!
Kaya alam mo yun, talagang hindi sayang yung friendship na nabuo eh,
Wala kang panghihinayangan, talagang lahat eh kung baga sulit!
Wala talagang patapon!
Basta!
Tapos kung tutuusin, years na yung nagdaan eh, mahigit two years na nga eh, pero ganun parin ci checks! Nakakatuwa talaga!
Wait, hindi ko alam kung ano idudugtong ko.
Hindi ko kasi alam kung san to tutungo eh.
Ayon, tuloy ko na nga lang.
Hanggang sa nag-uwian na kami, kasama parin namin siya,
Tas gumala kami, talagang pinilit namin siyang sumama!
Syempre, nakakamiss din naman yung tao no!
Nakaka-awa nga yung itsura ni checks nun, kasi parang pagod na pagod! Tapos inaantok pa! pero hindi parin namin siya pina-uwi,
Sinama parin namin siya hanggang nung kumain na kami ng mami, dinner namin yun ng youth! Kakagutom kasi!
Kumain naman si checks, siya ata nag-ubos nun kahit maanghang, si jomel kasi ang daming nilagay na sili dun sa mami, pero naubos ata ni checken eh!
Tapos ayon, gabing-gabi na ata nung nag-uwian kami,
Kawawa si checks kasi kina-umagahan, first day niya sa work, sa Tokyo-Tokyo.
Tapos nung naka-uwi na siya, nakakatuwa kasi nagsend siya ng message, sabi niya thanks daw sa lahat kasi he had fun naman daw. Syempre walang problema yun samin, ayos yun! We’re all in this together!
Tapos the next day, nung sinend ko na sa e-mail ni checks yung mga pics namin, nagsend din pala siya ng comment sa friendster. Saying na thank you for bringing him closer to God daw, syempre no problem yun samin, hindi naman pwedeng kami lang ang close kay God, dapat si checks din diba? Kaya ayon, nakakatuwa talaga si checks.
Attitude-wise? Walang pinagbago, pero spiritually, meron na talaga! Kaya nakakatuwa, kaya talaga sigurong may dala siyang Bible nun!
Basta sobrang happy day nun!
Iba! Masaya! Iba talaga yung joy na binibigay ni God, lalo na sa buhay ni Checks!
Iba kapag si God na yung kumilos eh, surprising! Exciting!
No comments:
Post a Comment