Talaga naman. Hindi ba totoo?
Bihira ka nalang ngayon makakarirnig ng mga fm stations na puro tugtugan at konti lang ang nagsasalitang djs.
Pagbukas na pagbukas mo ng radyo, wala ka ng maririnig kundi puro halakhakan ng mga djs at daldalan ng mga bagay na wala namang sense, yung iba naman nagjojoke, di naman nakakatawa, yung iba puro commercial. Mas mahaba pa yung commercial kaysa sa mga pinapatugtog nila. Yung iba naman may pinapatugtog pero puro station ID nila, mas mahaba pa yung station ID kesa sa mga kantang pinapatugtog! Ano ba yun?
Meron namang mga fm stations na nag-aasaran, nauubos na yung oras kakaasar sa kabila kaya hindi na nakakapagpatugtog. Yung iba naman tadtad ng mga promos. Wala ng music, puro ganun nalang. Ang dami na ngang commercial, ang dami pang promo,tapos may mga jokes pa na walang saksakan ng luma at corny, tapos puro daldal pa. Kaya wala ka ng maririnig na tugtog na gusto mo, iilang stations nalang yung mariringgan mo ng puro tugtog talaga.
Daig pa nila AM stations! Kulang nalang magkaroon na rin sila ng drama!
No comments:
Post a Comment