Friday, October 17, 2008

I don't like rainy days that much...




ang sabi ng iba,

gusto nila tuwing umuulan.
habang nasa bintana raw sila,

nagmumuni-muni na wala naman talaga..

tamang tingin lang habang pumapatak yung ulan,
nagdadrama.
nag-e-emo.

nag-iisip.
na para bang sila yung bida sa isang music video
na may temang iniwan kunyari.
pumapatak ang luha kasabay ng ulan.

nakatingin sa kawalan.

hanggang sa kung kailan matapos ang ulan.

ako?
ayoko.

ayoko ng ulan,

lalo na kapag pasukan.
nagpapaka-effort akong itayo at guluhin yung buhok ko eh!

tapos uulanan lang?

mababasa?

kaya bumabagsak.

at kaya ayoko.

sana,
ang tag-ulan tuwing summer nalang.

kaso hindi na summer yun.

ah basta, sana hindi tag-ulan tuwing may pasok,
sa bakasyon nalang!

please!

yung hairspray kasi kahit konting basa lang,

lumalambot na agad eh!

sayang naman kasi.

sige na oh..

No comments:

Post a Comment