Monday, October 20, 2008

at isa pang dahilan kung ba't ayaw ko ng rainy days..

at isa pang dahilan,
kung ba't ayaw ko ng rainy days.
kasi namaaan...
coding ako 'pag rainy days,
coding ako 'pag rainy days, yeah, yeah...
at miss kita 'pag rainy days.

harhar.
hindi, juk lang.
hindi talaga kasama 'yung line na
"at miss kita 'pag rainy days"
hindi naman ako emo eh!

pero coding talaga ako 'pag rainy days.
bawal ako magsuot ng white shirt, lalo na white pants
(hindi naman ako makakasuot ng white pants, wala naman
kasi ako niyan!)
bukod sa likas na dumihin talaga ang puti,
ewan ko ba, parang lagi akong dugyot 'pag
naka-white ako at umuulan.
bakit naman 'yung iba kapag naka-white at umuulan
parang hindi naman sila nadudumihan?
bakit ako lang?
dumi sa tricycle, lalo na yung pantabing sa ulan, 'yung plastic na nasa pinto ng tricycle,
ang lakas makadumi sa likod ko 'pag pumapasok ako at lumalabas, asar!
nang-i-istir 'yung tricycle!
sa jeep ganun din.
nakikita ko naman 'yung iba na sumasandal,
hindi naman sila nadudumihan, ang sarap pa nga ng sandal nila.
bakit kapag ako sumasandal laging
may dumidikit na dumi?
asar talaga..

kaya simula dun sa araw na nadumihan ulit ako,
pinangako ko sa sarili ko na
tuwing umuulan at kapiling ka..
ah, tuwing umuulan,
hindi na ako magsusuot ng white!
white shirt, white pants (wala nga ako nito!), white shoes, white na panyo,
palaging dark na kulay na,
para 'pag nadumihan man ako,
hindi obvious!
stir 'yung mga dumi!
manigas kayo!

No comments:

Post a Comment