Monday, October 20, 2008

BAKIT ANG SAMA NG TINGIN SA'KIN NG MGA TAO?

oh well,
i'm not sure kung masama talaga ang tingin nila sa'kin,
o kung ngayon lang sila nakakita ng katulad ko?
o racist lang talaga sila?
o nag-iisa lang talaga ako at sila, katulad lang din ng iba?
o makitid ba utak nila?
o alien ba ako?
o sila ba 'yung alien?

haaaay..

TAYONG-TAYO... ANG BUHOK

tirik na buhok, tusok-tusok yung dulo...
matigas.. gulo-gulo...
ano bang meron sa buhok ko,
marami namang tao na gulo-gulo ang buhok ah?
eh ba't ang sama nila makatingin sa buhok ko?
hindi lang naman ako nag-iisa?
marami kami!
yung mga cosplayer.
yung mga taga-korea.
yung mga bagong gising.
yung mga survivor ng bagyo.
o diba ang dami namin?
kaya ang sarap kapag kakaiba 'yung buhok mo eh,
agaw attention!
hindi ako papansin ha,
gusto ko lang kakaiba itsura ko!
hindi katulad ng iba, sunod sa uso,
kaya di napapansin! aminin!

MARAMING SUOT NA BRACELET

marami na rin akong nakita na nakatitig lang
sa bracelet ko, kapag ang suot ko marami.
baka naman nanibago lang?
baka ngayon lang nakakita ng ganun karaming bracelet?
baka nagandahan?
baka naiinggit?
baka binibilang yung bracelet ko?
o baka gustong bumili sa'kin?
pwes hindi ako nagtitinda!

MAY TEDDY BEAR SA DAMIT

ayokong gawing keychain eh!
kaya dinikit ko sa damit ko.
masama bang maging resourceful?

CUSTOMIZED ANG SUOT NA SHIRT
may dagdag na design, may tahi, may punit,
may tali, depende sa gusto ko...

uulitin ko na naman, haaay,
masama bang maging RESOURCEFUL?
at CREATIVE?

NAKABUKAS ANG ZIPPER NG PANTS
hindi 'yung zipper sa ibabaw ha!
kundi 'yung zipper sa tuhod pababa.
elephant!

isa pa 'yan!
kapag suot ko 'yung elephant ko na pantalon,
ang dami lalo ng SCANNER!
oo, scanner!
mula ulo hanggang paa ba naman yung tingin sa'kin!
ewan ko ba sa kanila!
ano pala isusuot ko?
kung ano 'yung uso?
wag na uy!
kayo nalang! magsama-sama kayong
mga fashion victim!
walang originality!
walang sariling isip!
walang sariling taste!
o, ano ha?
'wag na mag-deny!
totoo naman eh!

kaya ayun! hanggang tingin nalang kayo!
AKO NAPAPANSIN NIYO,
EH KAYO, KAPANSIN-PANSIN BA?

gusto ko lagi akong kakaiba,
i want to be complete..

No comments:

Post a Comment