Wednesday, July 2, 2008

SUN CELLULAR: MAS PINALAKAS! PINALAKAS MANGTRIP!!

Opo!
Totoo yun!

Alam niyo ba kung bakit?

Ganito, Kapag tumatawag ka, yung number na tinatawagan mo, hindi nagriring pero bigla nalang nagiging connected. Pero hindi ka naman macoconnect sa dapat na kausap mo dahil iba yung sumasasagot sa’yo kaya magtataka ka nalang na iba yung boses na kausap mo! Yun pala, hindi sila! Dahil yung call mo, napupunta sa iba!

Ganda no?

Okey na sana eh kasi affordable, kaso ang daming sablay.

‘Eto pa yung ibang sablay o:

-mahirap magconnect sa wap nila, laging network busy!

-ang hirap din mag-register sa mms at gprs, may kilala akong nagregister, hanggang ngayon hindi parin natatanggap yung activation message, mag-iisang taon na!

-kapag regular ang load mo, ang bilis tumawag. Pero kapag unlimited call ka, daylight o 24/7, laging network busy! Kaya hindi ka rin makatawag agad-agad. Tapos kapag tumatawag ka may operator na sumasagot, yun pala connected na sa kausap mo.

-yung mga messages mo pa na sinesend, ang tagal dumating sakin at sa sesendan ko, more than an hour bago dumating, minsan nga nauuna pa yung mga latest messages kesa sa na-una mong text!

-kapag tumawag ka naman ng operator, pangangakuan ka lang ng pangangakuan na aayusin as soon as possible, pero wala naming nangyayari, lalo lang lumalala!

-ngayon nga hindi na ko nakakatawag ng operator. Wanted ata ako. Pano, ang dami kong reklamo lagi, hindi naman ako magrereklamo kung maganda yung service eh, kaso paminsan-minsan sumusobra na!

Nag-email na ako sa sun cellular regarding sa mga bagay-bagay na ‘to, pero kalahating taon na, wala parin akong nare-receive na response galing sa kanila!

No comments:

Post a Comment