Tuesday, August 23, 2011
Napanaginipan ko kagabi na nagkaroon ako ng tumbler na ben10!
Monday, August 22, 2011
NUNG NAGPAKUHA KAMI NG GRADUATION PICTURE!
Wednesday.
Mainit.
Kaya pati ulo ng mga "make-up artist" mainit din.
Nag-aaburido. 1pm daw ang start ng pictorial.
Pumasok kami ng room 1:05pm na. Sa pagkakakalkula ko, mga 5 minuto bago matapos ang 2nd bell ng school. (12:55pm ang first bell, 1pm ang second bell.)
Pinalabas kami.
1pm pa nga daw kasi ang start.
Nagtaka kaming lahat.
Gagraduate kami ng kolehiyo na hindi marunong tumingin sa relo.
Pero tama kami. Alam namin yun.
Maya-maya, pinapasok din nila kami,
Para daw mabilis nalang ang proseso pagdating ng photographer na hindi parin tapos kumain.
Pero sa tingin kong malabo, at sa tingin naming lahat, hindi naman talaga yun ang dahilan.
Nakita lang nila si Adrian (si Lakan), kaya pinapasok na kami at inayusan.
Syempre una si Adrian. Pag siya ang kasama namin, nagiging basura kami, nagiging anino, nagiging alalay, nawawalan kami ng pag-asa. Pero andiyan din naman si Oland (si RED/Daboy), back up! Sila lang naman ang mga artistahin sa batch namin. Kami... life is so unfair!
Madami silang nagme-make-up sa mga kukunan ng litrato, sabay-sabay, siguro mga kulang-kulang sila, mga kulang-kulang anim o pito. Nauna nga si Adrian. Sumunod si Maki, si Ingrid, si Oland, ako, kasabay ng iba pang mga kukunan. Tapos na lahat kami ayusan, pero si Adrian, hindi parin tapos! haha! Ang daming ginawa sa kanya. Ayos na ang buhok ni Adrian, pero inayusan siya ulit. Nang matapos, ang kapal ng make-up. Samantalang kami ilang dutdot lang ng foundation! Tapos na!
Sina Oland at Maki, inayusan sila ng buhok. Yata.
Ako, malaki ang pasalamat ko na hindi nagalaw ang pinakamamahal na buhok ko!
Hindi ko alam kung tamad lang talaga mag-ayos yung taga-ayos (simula umaga nandun na sila at nagme-make-up na ng mga kukunan) o pagod lang siya, o naka-hair spray na ako kaya matigas na buhok ko, o wala siya sa mood, o.. Ah, kay Adrian siya nakatingin, lahat naman sila! haha!
Ayun, natapos na rin kaming ayusan. Ah, hindi naman talaga kami inayusan, si Adrian lang!
Sina Ingrid, Jayanne, at yung mga babae, sila yung matagal na inayusan.
Nung kinukuhanan na kami, naguluhan ako. Sabi nung babaeng nag-aayos ng damit at posture namin, closed lips daw. Sabi naman ng photographer, BIG SMILE! Hindi ako talented pag dating sa ganyan, closed lips na big smile! Si Maki naman ayaw pangitiin nung babae! Si Adrian, inaantay ng lahat! haha!
Yung damit na sinuot namin, hiraman! Makati! Hindi pwede yung dala kong damit, itim eh. Kailangan daw light ang kulay kasi itim ang toga. Eh gusto ko sana all black. Eh picture ko naman yun, pinaghirapan ko yun ng ilang taon! Pero sige na nga! Nakabawi naman ako sa buhok.
Taga-ayos: Ganyan na buhok mo?
Ako: Opo.
Taga-ayos: Sigurado ka sa grad pic mo ganyan ang buhok mo?
Ako: Sige isa pang tanong! (Hindi ko yan sinabi, opo lang ang tanging lumabas sa mga labi kong malaki.)
Taga-ayos: Oh sige, kung ganyan ang gusto mo wala naman akong magagawa eh, gusto mo yan eh. Oh, upo, chest out ha...
Ayun natapos din. Apat na frames lang naman. Pero ang mahal ng bayad para sa damit na hiraman, kapiranggot na make-up, wala pang cap, at tatlo o apat na frames. Sana maganda ang pagkaka-edit. Hindi pa pwede manghingi ng soft copy nung litrato.
Naghilamos agad sina adrian at oland. Ako hindi na. Sa nipis nung foundation na nilagay sa akin konting ihip lang tanggal na agad!
Si Grace aba eto na naman, hindi na naman namin nakilala. Hihingan sana ng number ni Adrian eh!
Si Jayanne ang tagal dumating. Busy daw! Sows!
Pupuntang Masbate naiwan naman ng bus! Di pa kasi sumama samin! Ayaw niya din naman kaming isama!
Yun lang.
A Day at POEA
Sinamahan ko yung pinsan ko sa POEA para sa pagbalik niya sa Dubai.
Hindi naman ako sangkot dun kaya malamang sa labas lang ako pwede. Hindi naman talaga sa labas, bale sa compound naman ng POEA.
Dumating kami ng POEA bandang 6am, mahaba na ang pila pagdating namin at sarado pa ang gate. Nakipila kami. Hindi pa mainit kaya ayos lang pumila sa labas. Kaso mapanghi ang ilalim ng overpass dahil sa mga bastos na umiihi doon habang wala pang araw, wala pang mga tao, at hindi pa sila pansin. Dilaw pa talaga ang kulay, may bula, fresh pa! Maingay din dahil sa mga bus at mga sasakyan dumadaan. Maraming MMDA pero marami paring taong tumatawid sa kalsada at hindi ginagamit yung overpass. Hindi sila sinisita ng MMDA.
Bumukas ang gate bago mag 7am. Maaga din naman pala.
Hiwalay ang pila ng mga balik manggagawa sa mga kukuha palang ng passport.
Dahil nga naiwan ako sa labas, pansin ko yung mga nakapila sa labas.
Pinapapasok agad yung mga balik manggagawa.
Yung mga nakapila, yun yung kukuha palang ng passport.
Habang tumatakbo ang oras, padami sila ng padami sa pilahan.
Painit ng painit. Walang bubong. Kawawa yung mga walang payong.
Yung iba naka-shades, yung iba ginawang payong yung dyaryo, yung iba bilad.
Narinig ko yung katabi ko, balik mangagawa siya, inaantay nalang yata yung kasama niya.
Ako pala ang kausap niya. Sabi niya, "GRABE DITO SA PILIPINAS, PUPUNTA KA DITO AT PIPILA NG FRESH PA, PAGPASOK MO..." tumigil siya. "TUYOT NA ANG UTAK?" sabi ko.
Umuo lang siya. Dagdag pa niya, "SAMANTALANG SA IBANG BANSA ANG GANDA NG PIPILAHAN MO, WALANG ARAW, MALAMIG. DITO PINAPABAYAAN KANG NAKABILAD SA ARAW. HINDI MAN LANG INAAYOS AT GINAGAWAN NG PARAAN NG MGA NASA LOOB."
Ang palagi kong naririnig sa balita at sa iba, malaki daw ang perang pinapasok ng mga OFW sa bansa. Hindi ko alam. Hindi ko yun gets. Pero kung ganun nga, sana naman hindi naman ganun ang trato sa kanila dito sa sarili nilang bansa. Nakabilad sa araw. Kahit man lang sana palagyan ng bubong yung space na pinipilahan nung mga tao para hindi mainitan o maulanan. Malaki ang pera kamo? Kurakot na naman!
Gusto kong lumabas na bansa balang araw.. o kahit gabi. At kapag kukuha na rin ako ng passport ko o kung ano pang proseso na kailangan sa POEA, ganito rin, ibibilad muna ako sa arawan. Saan napupunta yung tax na binabayaran ko?
The Enchanted Typewriter na muntik ko na namang ma-memorize dahil sa training ng pagiging chat support na hindi naman natuloy! :D (kalahati palang!)
It is a strange fact, for which I do not expect ever satisfactorily to account, and which will receive little credence even among those who know that I am not given to romancing--it is a strange fact, I say, that the substance of the following pages has evolved itself during a period of six months, more or less, between the hours of midnight and four o'clock in the morning, proceeding directly from a type-writing machine standing in the corner of my library, manipulated by unseen hands. The machine is not of recent make. It is, in fact, a relic of the early seventies, which I discovered one morning when, suffering from a slight attack of the grip, I had remained at home and devoted my time to pottering about in the attic, unearthing old books, bringing to the light long-forgotten correspondences, my boyhood collections of "stuff," and other memory-inducing things. Whence the machine came originally I do not recall. My impression is that it belonged to a stenographer once in the employ of my father, who used frequently to come to our house to take down dictations. However this may be, the machine had lain hidden by dust and the flotsam and jetsam of the house for twenty years, when, as I have said, I came upon it unexpectedly. Old man as I am--I shall soon be thirty--the fascination of a machine has lost none of its potency. I am as pleased to-day watching the wheels of my watch "go round" as ever I was, and to "monkey" with a type-writing apparatus has always brought great joy into my heart-- though for composing give me the pen. Perhaps I should apologize for the use here of the verb monkey, which savors of what a friend of mine calls the "English slanguage," to differentiate it from what he also calls the "Andrew Language." But I shall not do so, because, to whatever branch of our tongue the word may belong, it is exactly descriptive, and descriptive as no other word can be, of what a boy does with things that click and "go," and is therefore not at all out of place in a tale which I trust will be regarded as a polite one.
BLOG
parang gusto ko na namang gumawa ng blog dahil sa panghihikayat sa akin ni jerson na isang kaibigan at kasalukuyang kasamahan sa trabaho na ipagpatuloy ko ang nasimulang blog ko matagal na panahon na ang nakararaan dati. 2009. January. Yan ang taon at buwan ng pinaka-latest ko na post doon. Madami naman akong saloobin at agam-agam sa mga nangyayari kung tutuusin, kaso tamad lang talaga ako mag-type. Tamad din akong magbasa. Kahit na gawa ko pa.
Mukha namang okay na rin dito sa notes. Bukod sa libre ang pag-gamit ng facebook sa kabaitan ng Sun Cellular, meron din namang comments, likes, sub-comments, at sub-likes. Yata.
Pag-iisipan ko muna ng todo. Sige gagawa ako ng bagong blog. Yung ilalagay ko sa blog, ilalagay ko rin dito. Para hindi naman sayang, wala nga lang point.
Lahat Gulo Dapat Ayos :D
one night while i was walking.. tagalog na nga lang! habang naglalakad ako isang gabi sa kahabaan ngunit masikip na hallway sa trabaho, may dalawang mukhang taong ahenteng-pantawag akong nadaanan. Ang sabi nila, "bigyan natin siyang suklay, let's give him a comb." Naisip ko tuloy, kung ang lahat ng bagay na magulo ay dapat inaayos, hindi ba dapat bigyan ko sila ng mukha?