Wednesday, January 21, 2009

STAY COOL AT SCHOOL fashion tips...

wala lang,
gusto ko lang sabihin yung saloobin ko
tungkol sa mga pananamit sa school,
sa labas ng bahay,
na hindi naman talaga dapat sundin,
wala lang, gusto ko lang mag-comment.
malay mo may mai-ambag ako.
hopefully.

number one on the list..

BE YOURSELF

wag kang gaya-gaya sa iba,
kung ano ang uso,
kung ano ang mamahalin,
o branded,
o sinusuot ng karamihan.
kasi kapag may kapareho ka kahit anong
mahal at bago pa ng suot mo,
hindi ka kapansin-pansin.
at lalo kapag kahit anong gara at nasa uso ang damit
mo kung hindi naman bagay sa pagmumukha mo,
pangit lalo ang kalalabasan.
hindi lahat ng uso, maganda at bagay sa'yo.
kaya wag mong ipagpilitan!
pero kung yun talaga ang gusto mo,
go! ikaw naman yan eh, kaya nga
be yourself diba?
siguraduhin mo lang na kaya mong dalhin,
kasi kung hindi naman talaga bagay sa'yo at nakikigaya o nakikiuso
ka lang, halata sa itsura mo.
bastusan yun!

pangalawa..

SIMPLE IS BEAUTIFUL

wag ipagpilitang i-partner ang
printed na shirt, printed na shorts o pants,
printed na sweater, printed na shoes,
at may dala ka pang printed na bag!
sasabihin ko sa'yo,
mukha kang tiangge!
magkano yan?
may medium kayong size niyan?
ito gusto ko 'to, magkano?

yan!
ang dami ko na kasing nakikitang ganyan.
tuwang-tuwa sila sa suot nila kasi nasa uso nga naman.
pero sabi ko nga, hindi lahat ng uso maganda.
at hindi rin naman sinabi na isuot mo lahat ng uso
nang sabay-sabay!
lalo na kung hindi naman magkatugma --
ang kulay, ang design, ang hugis, kasi
bawat bagay, may binabagayan..
huh?

hindi naman masama sumabay sa daloy ng buhay,
pero bawat bagay kasi, dapat isinasaalang-alang din natin,
hindi lang sa pananamit, kundi sa bawat ginagawa natin.
maganda kasi kung bawat bagay,
pinag-iisipan. hindi basta nalang ginagaya sa iba,
o dahil sabi ng iba ito ang maganda,
ganito, ganyan, ganun.

sige, yun lang.
HAPINESS IS A CHOICE!
wala sa kasiyahan ng iba!
kaya kailangan masaya ka sa suot mo,
nasa uso man o hindi,
halata kasi kung sino talaga ang magaling
at maayos magsuot ng damit, at kung sino yung
nakikiuso lang!

sige, pasok ka na sa school!
wag mo nang sundin yung mga nabanggit ko,
naka-uniform naman kayo eh!
kami kasi wala!

peace..

No comments:

Post a Comment