BATA
- laging binabantayan, hindi pinapabayaan
- laging binibigay ang gusto
- laging pinagbibigyan kahit kanya yung kasalanan
- minsan lang pagsabihan, kasi wala pa raw isip
- tinuturuan kung ano ang tama
- tinuturuan ng "po" at "opo"
- sinasabihan ng "paglaki niyan, magiging ganito ganyan 'yan!"
- laging masaya
- hindi iniisip ang problema, ano naman malay niya?
- walang pakialam sa mundo
- hindi obligado sa mga bagay-bagay
- walang responsibilidad
- laging naglalaro
- masarap maglaro
- gustong-gusto ng mga magulang
HINDI BATA, HINDI MATANDA
- yung iba, bantay sarado. yung iba, pinapabayaan.
- pinagdadamot ang gusto
- laging may kasalanan kahit wala namang ginagawa, o minsan kasalanan niya talaga, ayaw lang aminin.
- palaging pinagsasabihan, para bang walang sariling isip!!!
- tinuturuan ng tinuturuan na ganito ang tama, kaso nga eh iba na ang mundo ngayon!!! iba na po.
- upo!!!
- sinasabihan ng "tingnan mo nangyari sa'yo ngayon???"
- hindi na laging masaya, pero sabi nila enjoy daw tayo while we are young...during our youth days. pa'no? kill joy sila..(parents)
- puro problema iniisip, ang daming problema, iniisip ang problema, nagkakaproblema, ugat ng problema, gustong magkaproblema.
- walang pakialam lalo sa mundo, pero pinapakialaman sila ng mundo. kapag pinakialaman naman nila ang mundo, hindi naman sila pinapakinggan nito.
- obligado na sa sarili, sa mga bagay-bagay, pero ayaw payagan.
- may responsibilidad na, eh ayaw ngang payagan!!!
- hindi na nakakapaglaro.
- masarap paring maglaro...yung seryosong laro.
- ayaw sa mga magulang... pero biglang nagiging magulang!
MATANDA
- tagabantay at tagasarado
- nakukuha ang gusto.
- kayang panindigan ang kasalanan. (yung ilan lang!)
- hindi na pinagsasabihan, sila naman nagsasabi
- tagaturo ng tama
- pino-"po" at "opo"
- sinasabi sa sarili, "bakit ganito nangyari sa'kin ngayon?"
- huli na para ma-realize nila na dapat pala in-enjoy nila yung youth days nila.
- hindi lang problema nila ang iniisip, marami pa
- may pakialam na sa mundo, pero wala paring nangyayari, kurakot parin ang gobyerno...
- mas obligado na sa sarili, at dapat lang
- may responsibilidad, hindi lang ang sarili
- wala ng panahon para maglaro, seryoso na 'to
- masarap paring maglaro...ingat lang.
- magulang na...na may halong pagsisisi (bakit kasi parang napaaga ang pagiging magulang.)
No comments:
Post a Comment