Wednesday, December 10, 2008

nai-shake ko tv ko!


lighthouse...



sinong
engineer naman kaya gagawa ng ganyang lighthouse?
si niko?
si bill?
si sabog? labog?

CHRISTMAS WISH LIST... part II

-mabawasan at tuluyang mawala ang mga driver na mahiligtumambay sa sakayan, kaya yung jeep o fx na sasakyan mo, lalampasanka na lang at hindi ka na makakasakay! asar!lalo na kapag nagmamadali ka!

-dumami ang fx na biyaheng CUBAO,ang konti kasi nila.ang hirap mag-abang.

-hindi na masyadong mainit sa earth,ang sakit sa balat eh.

-dumami ang mga puno at halaman.mahalaga sila eh.maraming benefits!

-wala nang barkong tataob-wala nang coast guard na pabaya-magkaroon sila ng maraming gadget na bago-matuto silang gamitin yung mga bagong gadget

-buong Pilipinas magkarugtong na dahil sa tulay-para di na kailanganin ang barko-para wala nang barkong tataob!-para wala nang pasaherong masasawi!-para wala nang sasakay ng barko!

-magkaroon ng kaso ang mga teacher na mahilig umabsent

-malinis na tubig-libreng pabahay-murang gamot-libreng edukasyon-at wala nang politician na mangako ng mangako!

-mawala lahat ng mga paasa!hindi kayang panindigan ang mga sinasabi!wag nalang kayong tumakbo! at mangako!pwede?

Wednesday, December 3, 2008

CHRISTMAS WISH LIST...


- dumami ang pinagkukunan ng gasolina,para bumaba ng tuluyan ang presyo nito.('yung pwede nang ipamigay na lang! at 'wag nang gawing negosyo!)
at 'pag pinamimigay nalang ang gasolina...

- mura nalang ang bigas(syempre, dahil hindi na magastos sa transportation, wala nang bayad ang gasolina para sa tutubi!)

- mura nalang ang flour(wala lang, pareho naman silang carbohydrates eh.)

- hindi na kailangan ang pasahe sa mga sasakyan(aba, pinamimigay nalang ang gas diba?hindi ko lang alam kung meron pang gustong maging driver ng PUV...)

- dumami ang gustong maging driver ng PUV kahit wala nang pasahe

- mawala na ang mga kotong na conductor!(pati na rin ang iba pang mga kotong sa kalye,alam niyo na kung sino kayo! uuuy, guilty...hmn.)

- mabura na ang mga holdaper sa buong mundo!(bigyan sila ng matinong trabaho,free psychological test, gift check para mag-shopping,o di kaya ipakulong nalang!ang dami na nilang biktima! banas!)

- mawala na ang mga lamok na mahilig mangagat ng payat at konti nalang ang dugo!magkaroon naman sana sila ng konsiderasyon!(para wala nang magkasakit)

- matuto ang mga burarang tao ng proper waste disposal.(para wala nang lamok!)

- magkaroon ng batas naANG HINDI MAGTAPON NG BASURA SA TAMANG TAPUNAN,ITAPON SA BASURAHAN!(para mawala na ang nagtatapon ng basura kung saan-saan)

- dumami ang basurahan para sa mga nagkakalat ng basura!(para mawala na ang mga taong burara at nagkakalat ng basura na sanhi ng pagdami ng lamok na dahilan ng iba't ibang uri ngsakit o karamdaman. aaah, ang haba!)

- mawala na ang mga kurakot na opisyal ng gobyerno!hindi niyo pera 'yan! be shy!

- maubos ang mga mahilig magsuot ng usong damit atbp. na hindi naman bagay sa itsura nila.be shy too!(hindi lahat ng uso maganda. at hindi lahat ng may suot ng uso, gumaganda!)

- mabura sa mundo ang may pakana ng china phone!ang dami na kasing nagpapanggap na mayaman!ma-feeling!be shy three times!

- mas maging educated ang mga bata sa panahon ngayon.

- dumami ang DEDICATED na teachers para maraming kabataan ang matuto.

- suportahan ng government ang mga guro! na deserving!(aba dapat lang!)

- magkaroon ng government leader na magaling,hindi kurakot, honest, ipakita lahat ng pinagkakagastusan ng gobyerno,may awa, marunong manalangin, may concern sa kapwa,hindi makasarili, iniisip ang kapakanan ng kanyang nasasakupan,matalino, pero humble, marunong manindigan,hindi kailangang umasa sa ibang bansa,mapagkakatiwalaan, masipag, mapagmahal,hindi pera ang iniisip, pero magaling humawak ng pera paraumunlad 'yung bansa niya, lahat ng positive attitude!dami eh!

- peace on earth!

- at marami pang iba...